LingoPix

Matutuhan nang biswal ang wika

Ang LingoPix ay isang sistema ng pagbuo ng bokabularyo kung saan pinagsasama ang mga larawan at awdiyo sa paraang interaktibo para matandaan ang mga salita.

Subukan ang LingoPix ng libre

Download on the App Store
LingoPix

Ipinakikilala ang iyong alas sa pag-aaral ng bagong wika…

Vocabulary flashcards with photos

Bumuo ng malalim na bokabularyo gamit ang mga libu-libong picture flashcards

Tapikin ang larawan para marinig itong bigkasin ng isang katutubong guro.

Tapikin ulit para marinig itong bigkasin nang m-a-r-a-h-a-n.

Hindi matandaan ang isang salita at kailangan ng hint?

Kuskusin lang ang bakanteng bahagi ng flashcard para lumitaw ang salita nang titik sa titik.

Speech Studio

Pabutihin ang iyong punto gamit ang Speech Studio

Irekord ang iyong boses at pakinggan ang pagbigkas mo kompara sa pagbigkas ng guro. Mamamangha ka habang natutunaw ang iyong punto.

Hands-free mode

Matuto anumang oras gamit ang hands-free mode

Pindutin ang Play na buton at pasadahan ang mga salita nang hindi ginagamit ang kamay.

Matuto habang nag-eehersisyo, nagtitiklop ng labada, o nagluluto.

Made by Humans

Gawa ng mga Tao

Lahat ng pagsasalin ay inihanda at sinuri ng mga tao.

Lahat ng salita ay malinaw na binigkas ng mga katutubong nagsasalita.

LingoCam

Wikamera. Bago at masayang paraan para matutuhan ang mga salita para sa mga bagay sa iyong paligid.

Itutok mo lang ang kamera sa isang bagay at pakinggang binibigkas ang salita para dito.

Gumagamit ang Wikamera ng Artipisyal na Karunungan (AI) na may machine learning na kumikilala ng mga bagay.

Magagamit ang teleskopyo para makita ang malalayong bagay. Magagamit ang mikroskopyo para makita ang maliliit na bagay. Magagamit ang Wikamera para makita ang mga bagay sa bagong wika.

Masayang matuto ng mga salita gamit ang mga larawan!

Sa pamamagitan ng mga larawan, naiuugnay ng utak mo ang mga titik at tunog ng bagong salita sa kahulugan nito.

Maeengganyo kang matuto. Tingnan lang ang mga salita ng bagong wika kasama ang mga larawang nagpapaliwanag sa mga ito. Itabi muna ang mga salita sa Tagalog.

LingoPix on iPhone

Matututuhan mo agad ang mga salita para sa mga bagay na gusto mong pag-usapan.

Magaan at mabisa ang pag-aaral nang may mga larawan. Kung wala kang ginagawa, sa halip na tumingin ng kung ano-ano sa phone mo, mas mainam kung matututo ka ng mga bagong salita.

Temperatures cold to hot
Hot words

Maiinit na Salita

Rebyuhin nang madalas

Cold words

Malalamig na Salita

Rebyuhin nang madalang

Smart Shuffle

Smart na Balasa

Parang tubong daanan ng mga salita papunta sa iyong pangmatagalang alaala.

Ang Smart na Balasa ay pambihirang sistema ng nakaagwat na pag-uulit (spaced repetition) na ang bawat salitang aaralin ay may temperatura.

Nagsisimulang “mainit” ang mga bagong salita. Madalas na nirerebyu ang maiinit na salita.

Paminsan-minsang nirerebyu ang “malamig” na mga salita, sapat na para manatili ang mga ito sa pangmatagalang alaala.

Kapag nirebyu mo nang nirebyu ang isang salita, lumalamig ang temperatura nito. Pero puwede mong baguhin ang temperatura nito anumang oras. Nahihirapan ba sa isang partikular na salita? Mag-swipe pataas para painitin ito. Alam na alam mo na ba ang isang salita? Mag-swipe pababa para palamigin o pagyeluhin ito.

Gumawa ng action plan

Makagagawa ka agad ng personalisadong plano ng aksiyon para matarget ang pinaka-kapaki-pakinabang na mga salita sa inaaral na wika.

Pumili lang ng goal at petsa, tapikin ang buton, at magplano kung paano mo maaabot ang goal sa susunod na mga araw o linggo.

Makatanggap ng mga paalala sa mga araw o linggong pinili mo para mag-aral.

Buksan ang app para sa inihanda sa iyong “mga salita para sa araw”.

Action plan
Action plan

Magtampisaw o Sumisid

Napakalaki ng database ng LingoPix ng mga larawan. Bumuo ng malalim na bokabularyo, o tumingin-tingin ng iba’t ibang paksa na may interes sayo.

Ano ang nakakapagpasabik sayo? Pagkain? Paglalakbay? Pamimili? Palakasan at mga laro? Teknolohiya? Isang araw sa tabing dagat? O gusto mong rebyuhin ang mahahalagang salita para sa paaralan o sa propesyon mo? May kaha ng mga salita ang LingoPix para sa mga ito.

At hindi lang basta mga larawan… Nag-aalok ang LingoPix ng mga kard na awdiyo para sa mahahalagang salita at pahayag sa pakikipag-usap na hindi biswal.

Higit pang mga paraan para matuto

Program modes

Flashcards para lang sa iyo

Sa iba’t ibang moda ng program, puwede mong piliing:

Night Review

Rebyu sa Gabi

Rebyuhin ang lahat ng nakita mo sa buong araw. Mainam ito para maitanim ang mga salita sa isip mo bago ka matulog.

Review Mix

Halo-halong Aralin

Idagdag ang lahat ng gusto mong rebyuhin gamit ang Smart na Balasa rito.

Flipboards

Mga Flipboard

Ang flipboard ay interaktibong pasilip sa koleksiyon ng mga salita. Bawat salita ay may tile sa gameboard. Makikita sa isang bahagi ang salitang inaaral mo. Sa kabila naman ang salin nito. Tapikin ang mga tile para baligtarin ang mga ito.

iCloud Sync

Pag-sync sa iCloud

I-sync ang lagay ng iyong pagkatuto at plano sa lahat ng iOS devices mo. May bago kang iPhone? Awtomatikong ipagpapatuloy ng LingoPix sa bagong phone kung anuman ang naiwan mo sa dating phone.

Mga wikang maaaral

  • Aleman 4500 larawan 6000 audio
  • Arabe 4500 larawan 6000 audio
  • Biyetnames 4500 larawan 6000 audio
  • Danes 600 larawan 1200 audio
  • Espanyol 4500 larawan 6000 audio
  • Griyego 4500 larawan 6000 audio
  • Hapones 4500 larawan 6000 audio
  • Hebreo 4500 larawan 6000 audio
  • Hindi 600 larawan 1200 audio
  • Indones 4500 larawan 6000 audio
  • Ingles 4500 larawan 6000 audio
  • Irlandes na Gaelic 4500 larawan 6000 audio
  • Italyano 4500 larawan 6000 audio
  • Kantones 4500 larawan 6000 audio
  • Katalan 4500 larawan 6000 audio
  • Koreano 4500 larawan 6000 audio
  • Kroato 600 larawan 1200 audio
  • Malay 600 larawan 1200 audio
  • Noruwego 600 larawan 1200 audio
  • Olandes 4500 larawan 6000 audio
  • Pinlandes 600 larawan 1200 audio
  • Polako 4500 larawan 6000 audio
  • Portuges 4500 larawan 6000 audio
  • Pranses 4500 larawan 6000 audio
  • Rumano 600 larawan 1200 audio
  • Ruso 4500 larawan 6000 audio
  • Sinhala 600 larawan 1200 audio
  • Suweko 4500 larawan 6000 audio
  • Tagalog 4500 larawan 6000 audio
  • Tamil 600 larawan 1200 audio
  • Thai 4500 larawan 6000 audio
  • Tseko 600 larawan 1200 audio
  • Tsino 4500 larawan 6000 audio
  • Turko 4500 larawan 6000 audio
  • Unggaro 4500 larawan 6000 audio

Mag-enjoy sa pag-aaral ng mga salita sa LingoPix!

Tugma sa iPhone at iPad

Download on the App Store
Download LingoPix