Tungkol sa amin

Ang Nemo Apps ay dedikado sa paglikha ng mga makabagong apps at tools para sa pag-aaral ng mga wika.

Ang “Nemo” ay nagmula sa Ingles/Griyego na salitang “mnemonic” — tulong para sa pagsasaulo ng isang bagay.

Ang kwento namin sa ngayon

Masasabing nagsimula ang lahat noong habang estudyante pa lamang ng high school ang aming founder na si Mike. Siya ay nagprograma at nagbenta ng “HyperCard” apps para sa pag-aaral ng Ingles at Espanyol sa orihinal na “Macintosh” computers. Noon, ang mga apps ay nasa 3.5 pulgada na floppy disks na ipinapadala sa pamamagitan ng koreo, minsan sa mga kostumers sa kabilang panig ng mundo.

Makalipas ang dalawampung taon, nang dumating ang iPhone, malinaw na ito ay magiging isang kamangha-manghang bagong platform para sa pag-aaral ng mga wika (at ang App Store ay isang mabilis na paraan upang makuha ang app!). Kaya naman, sinimulan ni Mike ang Nemo Apps noong 2011 upang magdala ng bagong teknolohiya sa isang lumang ideya.

Simula noon, nakipagtulungan na kami sa mahigit isang daang mahuhusay na tagasalin at voice artists sa buong mundo upang mag-alok ng mas marami pang wika. Ang mga apps ay kayang gumawa ng mas higit pa ngayon kaysa noong naunang mga araw. Inilunsad namin kamakailan ang LingoPix na nakatuon sa pag-aaral ng biswal na wika.

Salamat sa higit 10 taong suporta! Kami ay isang pribado at self-funded na kumpanya kung saan kita mula sa mga benta at subscriptions sa aming mga apps ang pinanggagalingan ng aming pera. Hindi ka namin sinusubaybayan at kailanman, hindi gusto o kailangan na ibenta ang iyong personal na impormasyon sa iba. Sana lamang ay magustuhan mo at matuto ka sa aming mga apps.

Ang Nemo Apps ay nakabase sa Silicon Valley, California.